Graduation Day

Dumating na ang araw na pinakahihintay
Ika nga ay araw ng paghihiwalay
Bakit tingin ko ay ordinaryong araw lamang
Walang dapat ikasaya o ikalungkot
Bakit? Meron nga ba?
Ano ang dapat kong panghinayangan?
Masasayang sandali sa piling ng mga kaibigan?
Tama nga ba?
Sa apat na taong nakalipas marami akong naging kaibigan
Ngayon araw ng pagtatapos wala na akong maintindihan
Kaibigan ka lang kapag may kailangan
Maalala ka pa kaya kung sila ay okay lang?
04/03/03

Leave a Reply