Sa Gabing Madilim

Sa gitna ng dilim takot at pangamba ang kimkim
Halos hindi makagulapay sa hirap ng pasanin
Ni katiting na pag-asa’y walang maipain
Sapagkat katawa’y halos manghina sa laki ng isipin

Paghihirap sa dilim kayhirap alahanin
Parang bangungot sa gabing madilim
Sarili ay hindi halos mabigyan ng pansin
Sapagkat abala sa munting panalangin

Sa patuloy na hakbang ng mga paa sa dilim ng daanin
Katiting na liwanag kayhirap aninawin sa lakarin
Sa pagkakadapa ay halos ayaw ng bumangon sa sakit
Paano’y mga bato’y pilit nagsusumiksik sa tuhod na nanlalagkit.

09/09/03

Leave a Reply

error: Content is protected !!