Wednesday, June 23, 2010

I will embrace tomorrow...

Time to flip the old album in the corner but I am not going to do it today. I am going to flip the old story of my life, come with me while I am looking back into my past.
Writing is my passion, I am one of the thousands aspiring writer wishing to write her own published novel.  This is a true story, I am sorry to others who can't read and understand this humble post, let's flip the pages of my life.
YAYAKAPIN KO ANG BUKAS
Sa malayong lalawigang ito, malayo sa kabihasnan matatagpuan ang aming tahanan. Isang kahig, isang tuka ang uri ng aming pamumuhay. Kung hindi kakayod si itay mamamatay kaming dilat ang mga mata sa gutom. Ang aking inay ay simpleng maybahay lamang. Kahit sabihin pang dadalawa lang kaming magkapatid na kanilang itinataguyod hirap pa rin kami. Ang kararampot na sahod ni itay ay tama lang sa aming pang-araw araw, na kung minsan kinakapos pa. Ako ito si Eirrhanne, panganay na anak. Mataas ang aking pangarap, ayaw kong habang buhay na lang mabulok sa malayong lalawigang ito. Naniniwala akong wala rito ang kapalaran ko, ito’y nasa siyudad. Ngunit lubhang mahirap takasan ang kahirapan, mahirap hugasan ang putik na nakakulapol sa aking mga kamay! Hindi ito ang buhay na pinapangarap ko. Sawa na ako sa pamumuhay na mayroon kami. Lalong sawa na ako sa kapligiran ng paaralang pinagtapusan ko. Wala rito nasa siyudad, narron ang kursong matagal ko nang pinapangarap, ngunit dito pa rin pala ang bagsak ko. Mumuntikan na nagng hindi matuloy ang pagkokolehiyo ko dahil sa kakapusan. Ilang buwang nawalan ng trabaho si itay. Wala kaming makain, ni walang mahingan ng tulong, walang makapitan sa gitna ng unos kundi ang Poong Maykapal. Halina’t sabay sabay nating tunghayan kung paano nagkaroon ng liwanag ang buhay kong minsang natakpan ng mga ulap.
“Paano yan Henry wala na tayong bigas?” alalang turan ni inay kay itay
“Manghiram ka muna.” Narinig kung tugon ng pawisang si itay.
“Hiram! Hiram! Bakit may nagpapahiram ba sa iyo rito?” inis na turan ni inay na halos magsalubong ang mga kilay.
“Eh anong gusto mong gawin ko?” mainit ang ulong baling ni itay.
“Maghanap ka ng trabaho!” pasigaw na bulyaw ng naiiritang si inay.
“Alam mo namang walang nagpapatrabaho ngayon!”
“Paano yan? Magbubukas na ang pasukan wala pang perang pampaenroll si Eirrhanne!”
“Gagawa ako ng paraan.” Iiling-iling na tugon ni itay
Laging ganito ang tagpo sa loob ng aming tahanan. Magmula nang mawalan ng trabaho si itay na isang karpintero sa bayan. Sa kanya lang kami umaasa.
“Hindi na lang ako mag-aaral Nay!” singit ko sa kanilang pagtatalo.
“Hindi puwede. Hanggat malakas ako mag-aaral kayo ng kapatid mo!” pinal na desisiyon ni itay
“Pero itay!” pagmamatigas ko
“Dalawang linggo pa bago ang pasukan, pasaan ba’t makakahanap rin tayo ng pangmatrikula mo!” hindi nawawalan ng pag-asang turan ni itay na napapadalas ang paghitit sa yosing hawak.
“Ewan sa’yo Henry!” walang pag-asang usal ni inay.
“Hindi ka titigil kahit anong mangyari!” bilin pa rin ni itay na problemadong nakadukdok sa haligi ng aming kusina.
Nahihirapan ako kapag nakikita ko silang problemado ngunit wala akong magawa hindi ko pa kayang magbanat ng mg buto. Hindi ko pa kayang akuin ang responsibilidad ni itay na buhayin kami. Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa. May- awa ang Diyos!
“Eirrhane huwag ka na lang muna kayang mag-aral?” lapit ni inay sa akin, kasalukuyan ako noong naglalaba ng aming maruming damit.
“Bahala kayo!” mabigat ang loob kong usal na para bang sa butas ng aking ilong nagdaan ang mga katagang iyon.
“Malay mo sa susunod na taon makapag-aral ka hindi rito sa Tarlac.” Pang-uuto pa ni inay sa akin.
“Sige!” napipilitan kong sang-ayon. Sa aking isip naglalaro ang isang pagdaramdam kung kailan ko gustong mag-aral saka ako patitigilin at noong ayaw ko mapilit.
“Kasi kong ngayon ka mag-aaral mababaon lang tayo sa utang. Kung sa susunod na taon mapag-iipunan pa natin!” pagbibigay paliwanag ni inay kahit hindi ko hinihingan.
“Lotty!” naghahanap na tawag ni itay mula sa labas n gaming tahanan.
“Bakit?” takang tanong ni inay sa nalabasang si itay.
“Oh!” nakita ko nang may inabot na kung ano si itay sa palad ni inay
“Ano ito?” takang tanong
“Pera!” maikling sagot
“Saan mo galing?” nagdudang tanong ni inay habang binibilang ang salapi sa palad.
“Nagpautang ako kay Mama.” Sagot ni itay kasunod ng malalim na buntong-hininga. Si Lola ang Mama na tinutukoy ni itay (ang kanyang ina). Tindera ito ng gulay sa palengke na minsan ay nakakautang sa ilang may perang nagbibigay ng ‘five-six’.
“Siyam na daan?”
“Mabuti nay an kaysa wala!” narinig kung turan ni itay
“Kulang ito!” reklamo ni inay
“Maari naman daw kalahati lang muna ang ibayad sa matrikula.”
“Pero kulang pa rin!”
“May isang linggo pa naman.” Puno ng pag-asang usal ni itay
Minsan malakas ang pakiramdam ko. Basta nararamdaman ko na lang may bisitang darating habang abala ako sa pagpupunas ng ilang kasangkapan sa salas. Ganito ang naramdaman ko nang dumating ng walang pasabi si inay at si itay mula sa Tarlac ng minsang makapagtrabaho si itay sa Maynila.
“Makapag-aaral ka na Rhanne!” tuwang tuwang balita ni inay sa akin
“Talaga?” nakangiti kong tanong
“Oo! Mabuti nga dumating ang LoLo Bogart mo mula sa Tarlac. Hihiramin muna natin ang pampamasahe niya. Makapgtatrabaho naman ang tatay mo kahit isang linggo at iyon ang ibabayad natin.” Mahabang paliwanag ni inay sa akin
Laking pasasalamat ko sa Diyos sa pangyayaring iyon, dininig niya ang mga panalangin ko. Hindi niya ako pinabayaan, ginawa niyang instrumento si Lolo para makapg-aral ako.
Ang akala ko tapos na ang mga balakid para sa aking pag-aaral at wala nang dapat ipangamba..ngunit napakalaking pagkakamali. Nagsisimula palang pala ang lahat. May darating pang mas malaki at mas mabigat na suliranin sa buhay namin.
“Kaburi mo kasing tutuki keng malalantong!” galit na bulyaw ni inay sa akin
Hindi ako umimik tanging sinok lang ang maririnig sa akin.
“Ngayon anong gagawin mo may ibabayad ka ba?”
“Hindi ko naman kasalanan yon.” Umiiyak kong bulalas
“Hindi mo nga kasalanan, eh anong gagawin mo pinagbabayad ka?” usig pa rin ni inay sa akin.
“Ang tanga- tanga mo kasi puro landi siguro ang inatupag mo!” masakit na akusang dugtong ni inay.
Tahimik lang akong lumuha hindi ako malandi at hindi ako naglalandi. Katunayan ginawa ko na ang lahat, nag-asal lalaki ako. Nagmistula akong tibo sa pananamit at kilos para walang masabi si inay sa akin. Alam ko ang dahilan kung bakit inaakusahan ako ni inay nang ganon. Takot siyang matulad ako sa aking mga pinsan na pakikipagnobyo ang inaatupag kaya minumulat niya ang aking mga mata.
“Aray!!!” Malakas kong palahaw ng hilahin ni inay ang aking buhok na ikinasubsob ko sa lupa. Napaluhod ako sa sakit na nararamdaman. Sanay na ako sa kalupitan ni inay kapag siya ay nagagalit. Kinalakihan ko na iyon, kakambal na nga ng aking paglaki.
“Ano nakapag-isip ka na ba kung saan ka kukuhan ng ipambabayad huh?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, wala akong makapang kasagutan.
“Tandaan mo Eirrhanne, tatlong libo ang pinababayad sayo. Kung tutuusin naman talaga hindi mo yon kasalanan. Bakit sa damit mo ipapatong ang ‘cell phone’ eh alam na nagmamadali kayo?” pakikisimpatiya ni inay sa akin
Ngunit nanatiling blangko ang aking ekspresyon, manhid na yata ako.
“Oo nga pala nagtungo rito ang pinsan mo, ang sabi huwag ka daw sasaktan dahil hindi mo kasalanan. Aksidente yon. Eh, alam pala nilang aksidente bakit sa’yo lahat pinababayad?”
Iling lang ang sinagot ko.
“Kung tutuusin may kasalanan rin ang kapatid niya don ah. Kung hindi siya landi magpapalit lang ng damit bibitbitin pa ang cell phone. Ang hilig kasing magyabang!” galit na bulalas ni inay.
Tahimik lang akong lumuha.
“Ngayon tignan mo kung ano ang ugali ng mga pinsan mo? Noong pinaayos ang cell phone at apat na daan lang ang bayad, nagpresenta ang magaling mong pinsan hati kayo sa pagbabayad at ngayon tatlong libo na pinasosolo na sa’yo. Pinsan mo ba ang mga yan?”
Hindi ako makapagsalita dahil toto-o.
Baon kami sa utang. Hindi pa nga naming nababayaran ang pinangmatrikula ko at ngayon lalo kaming nabaon dahil sa isang aksidente. Masakit isipin ngunit mas masakit tanggapin na hindi na nga ako mag-aaral.
“Paano yan Rhanne hindi ka na makapg-aaral pa sa second sem?’ nag-aalalang turan ni itay sa akin.
“Okay lang tay!” nakangiti kong sagot na para bang hindi ko lang kagagaling sa pag-iyak.
“Ang kapalaran ay kapalaran!” dugtong ko pa.
“Ayaw ko sanang tumigil ka Rhanne kaya lang…. alam mo na…?” pagpapaliwanag ni itay
“Landi kasi ang inaatupag!” singit ni inay
“Ano ba Lotty?” saway ni itay
“Anong balak mo ngayon?” harap ni itay sa akin
“Maghahanap raw siya ng trabaho!” salo ni inay
Nakatakda na ang aking kapalaran, pikit mata ko itong yayakapin. Wala na akong pag-asang makapag-aral pa. Depende na lang kung may HIMALANG mangyayari. Hindi na ako pumapasok para ipunin ang aking mga ‘class cards’ para ano pa? Sa pasukan na lang para isahan na lang aking katwiran.
“Rhanne scholar ka?” tuwang tanong sa akin ni Myla kalugar naming
“Huh? Hindi ah!” tanggi ko
“Paano mangyayari yon ei hindi na nga ako mag-aaral?” dugtong ko pa
“Scholar ka nga!”
Napatawa ako “ Binibiro mo ba ako?” tanong ko sa kanya “Hindi nga ako napasama dahil MAYAMAN DAW KAMI puno ng sarkasmong turan ko.
“Hindi mo nabasa?” takang tanong
“Ang alin? At paano ko mababasa hindi na ako umaapak sa paaralan” paliwanag ko.
“Scholar ka nga para sa ‘second sem’. Nangunguna pa nga pangalan mo sa listahan eh.” Nakangiting balita nito sa kanya.
“Talaga?” nagkaroon ng kislap ang aking mga mata, nagkaroon ng pag-asa.
Nang dahil sa pangyayaring iyon nakapg-aral ako. Naaprubahan ang CONGRESSIONAL SCHOLARSHIP na inaplyan ko. Ngunit hindi rito natatapos ang lahat, isang linggo mula nang magbukas ang pasukan isa pang sorpresa ang natanggap ko. Kuwalipikado ako para sa STATE SCHOLARSHIP PROGRAM para akong malulunod sa tuwa. Toto-o ngang may himala, mahal ako ng Diyos! Hinawi niya ang mga ulap na nagbigay dilim sa aking buhay. Isang pag-asa ang ibinigay niya sa akin.
Ngayon ito ako patuloy na umaasa at nangangarap. Patuloy na nakikipagsapalaran sa magulong takbo ng mundo, patuloy na binibigyan ng katuparan ang aking mga pangarap.
Nawa ang karanasan kong ito ay magsilbing inspirasyon sa lahat at magbigay ng pag-asa!
Tunay ngang “HABANG MAY BUHAY AY MAY PAG-ASA!!!”
HGF
February 01, 2004
Stay tuned for the last episode entitled "NIYAKAP KO ANG BUKAS"
Photobucket
Trivia:
I got the highest grade in short story writing,

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...