It's Thurday again today the day to look back on my past. I think I skipped last week on Nostagia I already enter on advance stage as far as I remember my last post is about my struggle to college. So here's the continuation of it.. typing this last night a guilt feeling struck to me.
NIYAKAP KO ANG BUKAS
PROLOGO
“Rhanne kailan enrollment ninyo?”
“Third week of October ata, bakit Tay?” interesadong tanong mula sa akin
“Wala naman, isang sem na lang pala gagraudate na ang anak ko” may pagmamalaki sa boses na turan ni Itay na ikinangiti ko na lang
“Kapag nakapagtapos ka na Rhanne huwag ka muna mag-aasawa huh?” pakiusap ni itay,
Nilingon ko siya mula sa pagkakaupo. Marami nang nagbago sa pisikal na anyo ni Itay, yayat na ang kanyang katawan.
“Siyempre naman tay!” listo kong sagot. Magtatrabaho pa nga ako eh saka hindi ba nangako ako na ako ang magpapaaral sa kapatid ko?” dugtong ko
“Oo, magtutulungan kayong magkapatid, Huwag ninyong pababayaan ang isa’t isa” madamdaming turan ni itay na bigla kong ipinanlamig
“Tay naman!” protesta ko
“Bakit? Pababayaan mo ba kapatid mo?” nagtatakang bulalas ni itay sa akin
“Hindi naman sa ganon, kaya lang Tay naman kasi kung magsalita ka parang ano eh!” katwiran ko na hindi maituloy ang sasabihin
“Rhanne, hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Ako bukas hindi ko alam kung magigising pa ako.” Patuloy ni itay
“Tay naman ayaw ko nang ganyan!” napalakas na ang boses ko at bigla na lang akong napatayo
“Henry naman kasi huwag mong tinatakot ang bata!” salo sa usapan ni inay na kanina pa tahimik na nagbabasa.
“Lotty, hindi natin hawak buhay natin…”
“Hay naku tumigil na nga kayong mag-ama distorbo lang kayo sa binabasa ko!”
“Pikon talaga itong Nanay mo.” Sumbong ni itay sa akin na tatawa- tawa
“Kainis ka naman kasi tay.” Sagot ko
“Naku pagtutulungan ninyo na naman ako kung may anak akong lalaki disin sana may kakampi ako.”
“Hindi nga ba Tay ako ang junior mo?” agad kong banat at kunwa’y nagtampo
“Ang mga anak ko talaga oo, Luke halika dito kay Tatay!” tawag ni itay sa bunso kong kapatid na abala sa panonood ng telibisyon
“Bakit?”
“Basta lapit dito”
“Oh, tapos?”
“Kiss!,” lambing ni itay na tinuturo pa ang pisngi. Agad namang sumunod ang inutusan at humalik kabilaan
“Ikaw, Rhanne” harap sa akin ni itay na nakamasid lang. Pasimple kong hinalikan sa kaliwang pisngi si itay. Inatake na naman ng paglalambing ang dakila kong ama. Basta may kunting tama ng alak ito, mahilig mangaral at maglambing sa kanila.
“Aha, dalaga na ang anak ko, ayaw nang halikan tatay niya. Oh sa kabila pa.” kantiyaw ni itay sa akin at saka hinarap ang kanang pisngi
Dahil inatake ako ng kalokohan pabigla akong kumandong kay itay na ikanabigla niya, hindi niya inaasahan na gagawin ko yon sabay matunog na halik.
“Teka, ang bigat mo” reklamo ni itay sa aking natatawa
“Ah bahala ka Tay” balewala kong sagot at “Luke halika kandong ka” tawag ko sa kapatid ko habang natatawa..at napuno ng masayang tawanan ang maliit naming tahanan,,,
*******************
Tatlong taon ang mahabang lumipas ako pa rin ito si Eirrhanne, matapos kong YAKAPIN ANG BUKAS maraming nagbago kasabay ng pag-inog ng mundo, wala akong ibang pinangarap kundi takasan ang kahirapang kinalakihan ko, kahirapan ng buhay na laging kinukumpara ni inay sa kasaganaang kinamulatan niya. Kahirapang palagi niyang sinusumbat sa akin, kahirapang unti-unti kong kinamumuhian…
Ngayon nagsisimulang nagkakahugis ang mga pangarap ko kasama ang mga pangarap ni itay. Oo mataas ang pangarap ni itay para sa aming dalawang magkapatid. Pinasan niya ang lahat ng hirap upang itaguyod ang aming pag-aaral, lahat ng pasakit kinaya niya. Minsan lang kung mangaral si itay kapag sinusumpong lang siya ng kanyang espiritu bilang PADRE de Pamilya. Minsan pero malupit ang tama. Matitindi ang bawat hagupit nito na hindi mo maaring makalimutan. Ang kabilin-bilinan ni itay huwag naming siyang tutularan, pag-aaral daw muna ang atupagin naming bago ang lahat. Masuwerte nga daw kami at nakapag-aaral at hindi katulad niya na gustong mag-aral ngunit hindi kayang suportahan ng kanyang pamilya. Kaya magtapos daw muna ako ng pag-aaral at kapag nakapagtrabaho saka ko na hanapin ang para sa akin. Higit sa lahat ang pinakaayaw ni itay, ang magkaroon ng hiya. Huwag ko daw tularan ang pagiging mahiyain niya, huwag ko daw ikahiya ang bagay na hindi naman dapar ikahiya. Dapat daw laging malakas ang loob ko at laging palaban kung gusto kong umangat. Sanay na ako sa mga pangaral ni itay ngunit aaminin ko takot ako kay inay, sa batas militar niyang pamamalakad. Iyon ang tawag ko sa kahigpitan ni inay, wala akong batas na hindi dapat sundin basta sinabi niya. Iiling-iling kong pinagpatuloy ang pagsusulat kasabay ng isang ala-ala
“Rhanne, next year ka na lang mag-aral para next year ka na lang magfield-trip” hindi yon isang utos kundi pakiusap
“Bakit?: walang muwang kong sagot
“Wala kang pangfield-trip, pampaenroll nga ngayong sem wala din eh” maikling paliwanag ni inay
“Sayang scholarship ko.” Mahina kong bulalas
“Pinapaasa ka lang naman ng scholarship mo. Isang taon nang hindu dumadating allowance ninyo” reklamo ni inay
“Pero nay, isang sem na lang bubunuin ko!”
“Sana nga, kaso Rhanne hindi ka naman makakasama sa field trip saying lang eenroll mo. Kaya mas mabuti tumigil ka muna at kung gusto mo magtrabaho sa Manila bahala ka ng may pangfield-trip ka!” mahabang litanya ni inay
Tumimo sa utak ko ang mga sinabi ni inay, magdamag kong pinag-isipan. Tama siya saying lang ang salaping ipapa-enroll ko, kung wala namang kasiguruhang gagagraduate ako. Bibitawan ko ba ang pagkakayakap sa aking bukas?
‘Rhanne ano na naman yang sinusulat mo?” puna ni itay kasabay sa pagbalik ko sa realidad.
“Wala to tay, kuwento lang” na-aalarma kong sagot
“Anong kuwento?” interesado paring pagtatanong ni itay sa akin na hindi ko malaman kung paano tatakpan ang sinusulat ko sa mga mata ni itay
“Maikling kuwento” listo kong sagot at naglulumikot ang aking mga mata sa paghahanap ng paraan para maitago ang nilalaman sa mga mata ni itay
“Kapag nakapagtrabaho ka na Rhanne saka ka na lang uli mag-aral ng gusto mong kurso” payo ni itay na umupo pa sa katabing upuan ng study table na pinagsusulatan ko
“Kung makapagtrabaho ako kaagad” nakangiti kong turan
“Ano bang klaseng kuwento yan?” interesadong tanong mula kay itay na aktong kukunin ang isang pahina
“Love story ni Eirrhanne tay!” pambubuko ng kapatid niyang may pilyang ngiti sa mga labi
“Love story ka diyan!” asar niyang kapatid na bumalik sa panonood
“Katulad mo rin ako noon, mahilig magsulat. Komiks lang nga lang ang sinusulat ko, hilig ko rin kasing magdrowing eh”
Saya ako nagmana tay” segunda ko
“Pero mas talentado kapatid mo” salo ni inay sa usapan na bigla na lang susulpot at mawawala sa usapan
Ngumiti na lang siya bilang pagsang-ayon at ipinagpatuloy ang naudlot na pagsusulat at parang sineng bumaha ang nakaraan…
ITUTULOY..........

0 comments:
Post a Comment