Thursday, November 4, 2010

Nostalgia: Niyakap ko ang Bukas part2

Ngumiti na lang siya bilang pagsang-ayon at ipinagpatuloy ang naudlot na pagsusulat at parang sineng bumaha ang nakaraan…
******
Kahit walang kasiguraduhan ipinagpatuloy niya ang pag-aaral. Dalawang lingo bago ang pinakahihintay na field trip ng lahat. Nasalubong niya ang ama mula sa tindahang kapitbahay nila, bigla siya nitong inakbayan at kinausap, alam niya importante ang sasabihin nito.
            “Rhanne, pwede bang hindi sumama doon sa field trip?” panimula ni itay
            “Pwede” maikli kong sagot, inaasahan ko na. na iyon ang pag-uusapan naming
            “Di huwag ka na lang sumama!” animo’y batang bulalas ni itay
            “Pwede rin pero hindi rin makakagraduate!” may bitterness ang pagkakasabi ko
            “Kasi Rhanne, alam mo na ang sitwasyon” panimulang paliwanag ni itay
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero nanatili akong walang imik
            “Kailangan sa Manila ang pera, kailangan daw ipa-opera ang Ante mo” tukoy ni itay sa asawa ng kapatid niya.
            “Magkano daw ba ang kailangan?”
            “Kailangan siyang maoperahan buhay at kamatayan ang nakataya don” makahulugang turan ni itay sa akin na lalong humigpit ang pagkakayapos ng mga braso niya sa mga balikat ko. Pinapaunawa ni itay sa akin ang mahirap na sitwasyon.
            “Perot ay kinabukasan ko din ang nakataya ditto bakit nila tayo idadamay?” may pagkaselfish kong tanong kay itay alam ko na malaking pera ang kinakailangan ko pero mas malaki ang pangangailangan sa Manila
            “Rhanne wala tayong magagawa pinapauna ko lang sa iyo huwag kang umasa at maunawaan mo ang dahilan.”
            “Hindi naman ako umaasa tay eh pero ang pinanghahawakan ko iyong pangako!” Gusto kung lumuha at manumbat ngunit ang tanong kanino? Hindi ko naman maaring sumbatan ang Diyos kung bakit itinaon niya pang sa pangangailangan ko nangyari ang bagay na iyon sapagkat alam kong may dahilan siya.
            “Kapag hindi ako nakasama ngayon Tay next year na lang ano?” tipi dang ngiting tanong k okay itay pinagtatakpan ko na naman ang nararamdaman ko
            “Oo, sana maunawaan mo Rhanne!” humihingi ng pang-unawa ang mga mata ni itay
            “Okay lang” mahina kung pakli at kumawala sa mahigpit na pagkakaakbay ni itay. Samot sari ang nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag kung ano, may panig na pakiramdam ko natutuwa ako merong nanghihinayang na parang gusto kong umiyak. Natutuwa ako dahil kapag next year ako sumama may makakasabay ako? Panghihinayang dahil isang taon ng buhay ko ang masasayang, marami ang maapektuhan kapag hindi ako nakagraduate. Masasayang ang scholarship na kaytagal ko ring nahawakan at iningatan. Masasayang ang bukas na naghihintay sa akin kung meron man. Pakiramdam ko gumuho ang mga pangarap ko.
            Hindi sana masakit ang lahat kung hindi ka pinaasa at biglang binawian ng pangarap. Para sa hindi nakakaalam ng lahat, ibinenta ni itay ang kapirasong lupa niya sa halagang singkuwenta mil sa isang taong may salapi, hindi ko nga alam kung benta yon o hulugan kasi pakunti-kunti ang bayad. Na kailangan pa naming magmakaawa bago mabigyan, tama ang nasa isip ninyo  nagbibigay lang kung kinakailangan o kung humihingi kami , pasingko- singko mil sa umpisa,  at ngayon nga dumating sa panahong kailangan ko ng malaking halaga. Ngunit sa kasawiang palad hindi ata mangyayari ayon sa pinangako, sapagkat umiral ang pagkagahaman at kumuha ang panibagong lupa na maangkin at kailangang bayaran sa madaling panahon sapagkat buhay at kamatayan ang nakataya. Kung saan tinakot pa na hindi tuluyang bibilhan ang lupa at dapat pa kami ang tumanaw ng utang na loob dahil bibilhan niya. Kalokohan kung  ayaw niya talagang bilhin disin sana ay nagsabi na ng una pa para nakahanap ng ibang taong magkakainteres at mababayaran pa ng buo, hindi ba? Ngayong dalawang linggo na lang natitira saka magsasabing pwede niyang isauli ang lupa kung patuloy na kukulitin o hihingan...hay naku kaya nga nagbenta ng lupa dahil kailangan...
            “Rhanne, nagsusulat ka ba o nakatanga lang?”
            “Huh?” napapantiskuhan niyang tanong sa inang natatawa
            “Mulala ka talaga!” kantiyaw nito sa kanya
            “Kung wala ka namang ginagawa diyan, tumabi ka hindi makakita ang tatay mo!”
            “Nagsusulat ako at may iniisip lang” palusot  niya t muling itinuon ang atensyon sa ginagawa, pero bago iyon nilingon niya muna ang itay niyang nakatulog na ata sa upuan.
            Ganito ako kapag sinusumpong ng topak sa ulo, kahit abutin ako ng magdamag isusulat ko ang laman ng puso at isipan ko. Kaya may isang bagay na hindi maaring mawala sa bulsa ko “bolpen”. Hilig ko talaga ang pagsusulat, una ko itong natuklasan sa edad kong trese ng una akong makaramdam ng kabang hindi ko maintindihan, humanga ako sa unag pagkakataon sa isang taong unang beses ko pa lang nasilayan, pagtatagpong pinag-ugatan ng apat na taong kabaliwan. Apat na taong inalagaan ang paghangang nararamdaman, ang tanawin mula sa malayuan ang hinahangaan ay isa ng malaking kasiyahan. Ngunit ng tumuntong sa kolehiyo biglang naglaho ang kabaliwan, nagbago ang lahat ng muli na namang makaramdam ng tinatawag na kahangalan sa unang pagkakataon tinalo ang apat na taong kabaliwan. Nakapagsulat sobra sa inaasahan ng matagpuan ang mga matang magtuturo sa kanya kung paano kabahan sa bawat sulyap sa malayuan.
            Marami ang nagtataka at nagtatanong sa akin kung paano ang isang katulad ko na walang karanasan sa tinatawag na pag-ibig  ay nakakagawa ng kuwentong punong-puno ng pag-iibigan, hindi ko rin alam kung bakit but maybe it is indeed a talent o masyadong naimpluwensiyahang ng pocketbook na binabasa sa murang edad.
            Napapiksi siya sa haba ng tinakbo ng utak nia, pansamandali niyang binasa ang naisulat  na kuwento kasabay ng pag-unat sa namiminting niyang mga paa…
            ‘She is Ryanne by her name at her age taglay niya pa rin ang pagiging childish, pero imbes na iyon ay maging malaking disappointmet sa kanyan, she looks more cute on her actuation. Maraming kilay ang nagtaas when a boyish like her became a seductive and so smarty on her way of dressing, marami ang nagtaka at nagtanong “Sino ang  boyfriend niyan?” na tinawanan lang niya sabay sabing “If they only knows. Maaring marami ang natuwa pero siyempre hindi rin mawawala ang ibang pagpuna. It’s a miracle of all miracle naman kasi na makikita ang pagbabago mula sa dalaga, sinong mag-aakala na ang boyish daig pa ang lalaki kung umasta will transformed to a girly like her, from maong pants and lose t-shirt to mini-skirt and body fit blouse, from rubber shoes  up to three inches high heels, from a cap to a model pony hair and especially ang makinis na mukhang kahit kalian ay hindi sanay mapahiran ng anumang cosmetics o kahit mumurahing pulbos ay biglang magiging banidosa?
            At sino ang makapagsasabing ang sobrang taray na dalagang ito na hindi makakakitaan ng mga ngiti sa labi unless you are close enough will be sweet as like this? Ang mga mapang-akit na mga ngiti na lalong nakapagbibigay buhay sa magandang pares ng matang animo’y kasama ring ngumingiti sa bawat ngiti ng mga labing madalas sabihing kissable lips. Nakakatawag pansin naman talaga ang taglay na kagandahan ng dalaga, morena man itong matatawag ngunit taglay pa rin ang kutis na hinahangad ng ilang kababaihan, magmula sa pinong balat na minana pa sa ina patungo sa mahubog at mahahabang biyas ng mga binting nakakadagdag ng dahilan para sundan  mo siya ng tanaw sa oras na dumaan sa iyong harapan, kaya naman bagay sa kanya ang magsuot ng palda kahit gaano man ito kaikli. At sino rin ang mag-aakalang inside her lose t-shirt ay may seksing pigurang tinatago? Isang dalagang halos magmaktol sa inis kapag nakikita ang uri ng damit na binibili ng ina at halos maiyak sa tindi ng pagkadisgusto kapag palda ang pinag-uusapang bilhin.
            No one would believe but she is amazing the way she carry herself. A model of her own fashion…
Itutuloy...
Hi, bitin ba? Sorry guys huh, not feeling well today si ako. Hubby and I ay parang sipuning manok I think got this colds from him, medyo bumaba kasi ang immune system naming pareho kasi laging puyat, siya doing his genealogy ako eh kung anong anik-anik sa harap ng computer. The only good thing for being sick is hindi kami pupunta sa gym today. Lol!
Photobucket

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...