Wednesday, November 17, 2010

Nostalgia: Niyakap Ko ang Bukas Part4

Okay guys this is the last part of my so called life during my struggle to finished my degree. If you noticed the part 3 was quite missing for one day because I pull it out, I added this blog into my sponsoredreview account, and in order to be accepted I have to pull it out because it is not written in English as one of the qualification to be accepted.

“Rhanne gabi na hindi ka pa ba matutuog?” napatigil siya sa pagbabasa ng marinig ang boses ng inay niya mula sa silid ng mga ito, kanina pa natulog ang mga ito. Pahimad niyang nilingon ang malaking kuwadrado ng orasan, magaalas-dose n pala ng gabi. Nawili siya sa kuwentong sinusulat kaya hindi niya namalayan at pagtakbo ng  oras. Siya na lang siguro ang kaluluwang gising ng mga oras na iyon.
“Tatapusin ko na lang to!” sagot niya habang inuunat ang  mga pang naninigas sa mahabang pagkakaupo. Nalimutan niyang hindi pala makatulog ang mga tao sa bahay nila ng bukas ang ilaw. Muli niyang tinuon ang utak sa ginagawa, nakakaisang talata palang siya ng…
Apat na araw bago ang Biyernes, ang itinakdang araw sa pagbibigay ng kabayaran ng sinumang sasama sa field trip. Nang tanungin siya ng adviser nila kung sasama siya o hindi, wala siyang makapang kasagutan. Nangangapa siya sa karimlan bantulot “ Sasama Sir” sagot niya na walang kasiguraduhan katulad ng kumuha  siya ng medical exam walang kasiguraduhan kung magagamit niya ba yon.
 Dalawang araw bago ang deadline, ayaw niya nang bigyan ng false hope ang sarili niya, hindi pa siya nag-eempake ng mga gamit na dadalhin.
Biyernes the moment of truth, excited na ang lahat parang guguho ang mundo niya ng umagang iyon, tuliro ang utak niya at pikit mata tinanggap niya ang kapalaran niya katulad ng unang pagkakataong ipinikit niya ang mga mata niya at umasa sa HIMALA, ang makapagpatuloy siya ng pag-aaral.
Dalawang oras bago mag-alauna lito siyang pumasok sa paaralan. Nadatnan niya ang mabait nilang adviser kasama ang maunawain nitong asawa na guro rin nila na abala sa photo copying machine sa opisina ng una.
“Sir, hindi ako makakasama!” agad niyang bulalas sa guro matapos magbigay ng paggalang. Naiiyak na siya ng mga oras na yon ngunit pilit niyang pinipigilan ang nararamdaman, tinatagan niya lang ang loob niya.
“Bakit?” concerned na tanong ng asawa ng adviser nila
Matamis na ngiti lang ang naging kasagutan niya kasabay ng
“Sige, Sir ..Mam, punta muna ako kay Sir Forca, tignan ko if dumating na allowance naming!” paalam niya at walang lakas na inihakbang palayo ang kanyang mga paa. Masakit pero tanggap ko na ang katotohanan.
Ilang metro bago ako makarating sa aking patutunguhan hindi ako maaring magkamali si Inay ang nakikita kong iyon, kakaiba ang kanyang ekspresyon kaya napabilis tuloy ang aking paghakbang.
“Bakit Nay?” nag-aalala kung tanong kakaiba ang kislap ng mga mata ni Inay, nangalog ang mga tuhod ko para akong mabubuwal, gusto kong sumigaw…
“Nay Bakit?” pag-uulit ko sa aking katanungan medyo pumiyok pa nga ata ako dahil sa bilis ng pintig ng nararamdaman ko, kakaiba ang kabang sumalakay sa akin. Pakiramdam ko nasa lalamunan ko ang puso ko, parang gusto kung umiyak at pagkatapos magtatalon at humalakhak sa tuwa. Nababaliw na ba ako?
Kakaiba sa nararamdaman ko ang matamis na pagkakangiti ni inay kasabay noon may kinuha siya sa kulay itim na bagay na iyon.
“Oh!” abot niya sa akin
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong kataga ang lalabas sa bibig ko.
“Magkano to?” katagang agad nanulas sa aking mga labi
“Kulang pa yan, siyam lang yan!” agarang tugon ni inay sa akin
Masaya ako alam ko ngunit agad din inyong napawi “Kulang?”
“Sa linggo na daw ang anim!” agad kung kinuyom sa mga palad ko ang salapi, mahigpit ang paraan ng pagkakakuyom ko at halos malapirot iyon sa mga kamay ko. Halo ang nararamdaman ko, alam ko masaya ako pero hindi ko makuhang magsaya. Pakiramdam ko gusto kong ibalik sa palad ni inay ang mga salaping hawak-hawak ko. Napakahalaga nito sa pamilya naming, kalahati ng buhay ni itay ang muli niyang isinakripisyo alang-alang sa akin, alang-alang sa kinabukasan ko. Gusto kung umiyak ngunit hindi ko magawa, napakalaking utang na loob na naman ang dapat kung tanawin sa mga magulang ko. Napakahalaga ng kabayaran ng salaping ito. Oo, LUPA ang kapalit ng salaping ito na ngayo’y nasa mga palad ko. Lupang nagmula pa sa magulang ni itay, lupang hindi pinagdalawang isip na isakripisyo ni itay alang-alang sa bukas na haharapin ko. Paunang bayad sa lupang ngayo’y pag-aari na ng iba. Saglit na pumasok sa balintataw  ko ang mukha ni Lolo, ang ama ni inay na ngayon ay namayapa na. Noon siya ang naging instrumento para makapag-aral ako, ngayon lupa ni Lolo na ama ng tatay ko ang naging daan para mayakap ko pa rin ang aking bukas. Mabait talaga ang Diyos, hindi niya ako pinabayaan, panibagong HIMALA ang muli niyang ipinagkaloob sa akin. Taimtim akong nagpasalamat at pasimple kong pinalis ang tubig na namumuo sa aking mga mata. Isa lang ang nasa isip ko at pinangako ko ng mga oras na yon “Kahit anong iutos ni itay at inay gagawin ko, kahit gaano pa kabigat iyon!”
Bigla siyang napabalik sa realidad ng mabasa siya ng kung ano, taka siyang tumingala sa itaas. Wala naman siyang nakitang butiki, LUHA! Napaluha pala siya ng hindi namamalayan..
Masakit ngunit kailangan niyang magdesisyon kung sino ang susundin niya PUSO o ISANG PANGAKO?
Pikit mata muli niyang binalikan ang naudlot na pagsusulat..
Malalim siyang napabuntong-hininga
“Bkit kc hndi p sbhin kng ano ang nara2mdama mo, pra kng bata!”
She nodded after reading that text message hindi pa rin siya makapaniwala na si Aeron ang katext niya. Ilang beses niya itong tinanong ang sagot..
“Ako 2 khit 2mwag k pa!”
‘Msa2v mu ba skin ng personal ang nara2mdaman mo?” she replied after a long time of waiting
“Hindi hiya ako!” nagkibit-balikat siya ng mabasa yon, she’s totally disturb
“Mahal mo ako o gusto lang?” nanigurado niyang text at ang sagot itanong ninyo na lang sa akin
“Rye, malayo ang tanaw mo wala ka naman tinatanaw” pabirong untag sa kanya ni Ishel na ikinabigla niya
“Huh?”
“Uuwi ka na? Hindi mo ba ako mamimizz?”
“Miz din…hahaha!”
“Hoy Ryanne, in love ka kay Aeron anoh?” untag sa kanya
“Whatever it take!” bigla niyang bulalas
“Mahal mo ba siya?”
“Rhanne, mag-uumaga na hindi ka pa ba matutulog? Patayin mo na yang ilaw ano ba?” ubos na ang pasensiyang sita ng inay niya sa kanya na ikina-igtad niya, tulala pa rin siyang nakatingin sa kapirasong papel sa harap niya, paulit-ulit na nagsusumiksik sa isip niya ang katanungang “MAHAL MO BA SIYA?” Nalilito siya, hindi niya alam kung ano ang idudugtong at isasagot ng character na binuhay niya sa kanyang panulat. Naapektuhan ang sistema niya, nadadala siya sa daloy ng mga pangyayari ng bigla sumingit sa sulok ng utak niya ang mga pangaral ng itay niya sa kanya.
“Huwag kang makikipag-boyfriend Rhanne. Magtrabaho ka muna!”
Ang inay niya…
“Buntis ang mga kaklase mo?” gulalat na bulalas ng inay niya sa ipinagtapat niya tango lang naging kasagutan niya
“Bakit nabuntis?” parang walang muwang na usisa nito sa kanya
“Eh kasi may boyfriend sila!” sagot niyang napalakas
“Oh ano naniniwala ka na sa sinabi ko, lantod ang mga kaklase mo! Kaya ikaw piliin mo kung sino ang kakaibiganin mo!” panimulang sermon sa kanya
“Anong konek?”
“Ikaw Eirrhanne, huwag kang makikipag-boyfriend at kapag nalaman kong nakipag-boyfriend ka kakalbuhin kita, ewan ko lang kung makalabas ka!” banta ng nito sa kanya
“Hindi naman ah!” maikli niyang sagot “Paano ako magkakaboyfriend eh lagi kang nakabuntot” mahina niyang dugtong
“Ano?”
“Wala nay, sabi ko malabong mangyari iyon”
“Subukan mo lang Eirrhanne, kakalbuhin talaga kita! Alam mong kapag sinabi ko sinabi ko!”
“Hindi naman eh, tinatarayan ko nga sila!”
“Sige makipagboyfriend ka at kapag nabuntis ka itatakwil kita!  Huwag na huwag kang uuwi dito kapag nangyari yon at ako ang papatay sa iyo!”
“Paano nga ako mabubuntis ..boyfriend nga wala” katwiran niya ngunit hindi ata siya pinakinggan ng ina
“Eirrhanne tandaan mo sinabi ko. Ituturing kitang patay kapag sinuway mo ako, huwag na huwag mo ritong iuuwi ang anak mo wala na nga tayong makain magdadagdag ka pa!” malakas na boses ng inay niya umuusok na ata bumbunan nito.
Napailing na lang siya ng maalala ang panenermon ng inay niya, napakamorbid ng pag-iisip nito. Sobrang advance, muli siyang napatingin sa huling talatang naisulat niya.
“MAHAL MO BA SIYA?”
Lito na naman siyang napatingin sa kawalan nanatiling nabitin sa ere ang ballpen na hawak niya
“KAHIT ANONG IUTOS NILA SUSUNDIN KO!” nagtutumining sa utak niya ang mga katagang iyon, mariin siyang napapikit. Ano ang mas matimbang PUSO o ISIP?
“Rhanne, wala ka pang trabaho kaya huwag kang makikipagboyfriend!” itay niya yon..ang inay niya..
“Kakalbuhin kita kapag nakipag-boyfriend ka!”
Pasabunot niyang hinilot ang nanakit niyang ulo, nakapagdesisyon na siya, tahimik siyang tumayo at walang anumang iniligpit ang mga nakakalat niyang gamit. Magaala-una na ilang oras na lang ang itutulog niya.
“Mahal mo ba siya?” parang nababasa pa rin niya ang katanungang iyon. Saglit siyang napatigil sa pagliligpit, sigurado ang desisyong hinagilap niya ang munting papel..
“Mahal mo ba siya?”
“YAYAKAPIN ko pa rin ang Bukas!”
Napangiti siya ng mabasa ang katagang naisulat niya. Malalim siyang humugot ng buntong-hininga at magaan ang loob na pinatay ang ilaw. Matutulog muna siya, kailangan niyang magpahinga, bahala na ang bukas makapaghihintay naman siguro ang puso.
End.
Abangan ang susunod na kabanata…me ganon?
So what have you learned from my story? Lol, gawin ba namang aralin. If you've noticed the story started when I am writing and finished when I am done, it means it is all reminiscence, a nostalgic past. The love story inserted or you have read is the story I am writing  while my family is watching TV. Don't be confused about the names, Rhanne is different from Ryanne. When I wrote love stories I used my names and sometimes my character.
Once I have wrote my own diary but unfortunate things happened that my mother and sister read it and they won't stop teasing me, so I ripped that diary and burned it. My writings is my diary after it, what you read on my poems and stories is me. When I write I don't feel alone, I don't feel unwanted.  It is the way where I expressed my feelings and my thoughts.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...